Upang maki-isa sa ika-71 anibersaryo ng United Nations, ang
Mataas na paaralan ng Dasmarinas ay nagdaos ng mga aktibidad na may kinalaman
sa UN, ito ay naglalayong ipamalas ang galing at pagkakaisa ng mga mag-aaral ng
Senior High School sa nasabing paaralan.
Ang Selebrasyon ay nagsimula sa mga patimpalak na
pang-indibidwal gaya ng Essay- Writing Contest, Photojournalism Contest,
Extemporaneous Speech, team- category Quiz Bowl. Ito ay kinalahukan ng mga
piling mag-aaaral ng SHS. Dito naipamalas ng mga estudyante ang kanilang
angking talino at galing sa larangan ng pagsulat, pagsasalita at photography.
Kitang kita ang pakiki-isa ng lahat ng mga strand ng SHS sa
bansang kanilang nirerepresenta. Nagkaroon ng exhibit na naglalayong ipakita
ang kultura at mga impormasyon ukol sa bansang kalahok. Dito makikita natin
lalo ang mga bansang kasapi sa United Nations at nalalaman natin ang
kanilang mga maipagmamalaking lugar,
personalidad at literatura. Nakita dito ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral at
ang kanilang dedikasyon.
Nagtapos naman ang pagdiriwang sa isa pang patimpalak na Mr.
and Ms. United Nations. Dito pinakikita na hindi talino at galing ang
kakayahang taglay ng mga Senior High School students ng DNHS kundi may angkin
din kagandahan, poise, kagwapuhan at kakisigan.
Tunay ngang ang selebrasyon ng United Nations sa DNHS ay
naging matagumpay dahil sa mga mag-aaral at sa mga gurong kalahok dito. Kitang kita ang suporta ng mga guro na sumali
pa sa parada at nagsuot ng costume ng kaniang bansa upang maipakita ang
kanilang pagmamahal sa mga estudyante nila.
(PHOTOS: CTTO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento